ECQ Financial Assistance Advisory

July 26, 2021

Example blog post alt

ECQ Financial Assistance Advisory

(July 26, 2021)

Ipagpapatuloy na po bukas (July 27, 2021) hanggang sa Miyerkules (July 28, 2021) ang naantalang distribusyon ng ayuda dala ng masamang lagay ng panahon noong isang linggo.

Tingnan ang bagong schedule at mga paalala para sa pagkuha ng ECQ ayuda. Kung saan pong venue naka-assign noong isang linggo, dun din po ang venue sa bagong schedule.

Ipakita lamang ang SMS advisory na natanggap noong isang linggo. Kung kayo po nakakuha na ng ayuda noong isang linggo o noong mga nakaraang bigayan, hindi na po kailangan pumunta sa venue.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong kooperasyon para mapanatili ang kaayusan sa araw at lugar ng bigayan ng ayuda.