Dala ng bagong variant ng COVID-19, isinailalim muli sa General Community Quarantine (GCQ) with HEIGHTENED restrictions ang NCR

July 26, 2021

Example blog post alt

Dala ng bagong variant ng COVID-19, isinailalim muli sa General Community Quarantine (GCQ) with HEIGHTENED restrictions ang NCR, kung saan kabilang ang Pasig City, simula noong July 23, 2021 hanggang sa July 31, 2021. Ito ay alinsunod sa IATF Resolution No. 128, s. 2021 at Omnibus Guidelines on Community Quarantine in the Philippines na pinagtibay sa Pasig City sa bisa ng Executive Order No. PCG - 55, s. 2021.

Pinapaalalahanan ang lahat na limitado pa rin ang pinapayagang movement ng mga tao sa “essential travel” katulad ng pagpasok sa trabaho, medical emergencies, at pagbili at pag-access sa mga pangunahing pangangailangan at social services.

Tingnan ang infographic kung ilan ang itinakdang seating/venue capacity para sa mga kainan, outdoor tourist attractions, personal care services, at maging sa religious gatherings, at ang mga ipinagbabawal ngayong GCQ with heightened restrictions.

Ipinatutupad na rin po ang adjusted unified curfew hours sa Metro Manila: 10:00PM - 04:00AM simula kahapon, July 25, 2021, sa bisa ng MMDA Resolution No. 21-13.

Inaasahan po namin ang inyong patuloy na kooperasyon at pakikiisa, lalo sa pagsunod sa mga ipinapatupad na minimum public health standards sa lahat ng pagkakataon.