Noong isang linggo, opisyal na binuksan para sa publiko ang pagrerehistro sa Pasig Pass. Pero ano nga ba ang Pasig Pass?

October 13, 2020

Example blog post alt

Noong isang linggo, opisyal na binuksan para sa publiko ang pagrerehistro sa Pasig Pass. Pero ano nga ba ang Pasig Pass?

Ang Pasig Pass ay ang contact tracing solution ng Pasig City. Layunin nito na mas mapadali at mapaigting ang contact tracing o ang pagtukoy ng mga close contact ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating siyudad.

Ito ay quick reference o QR code based para maging contactless at centralized ang contact tracing system ng lungsod. Bukod pa rito, masisiguro rin na protektado ang data privacy ng mga mamamayan dahil hindi basta-basta mababasa ang Pasig Pass QR code ng mga ordinaryong QR code scanners.

Ang Pasig Pass ay isa sa mga components ng Pasig Health Monitor, ang health monitoring system ng lungsod na ginawa upang mapabilis at mapahusay pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga Pasigueño.

Para makapag-register, magpunta sa https://pasigpass.pasigcity.gov.ph/

Panuorin ang video na ito para malamang kung ano ang Pasig Health Monitor at Pasig Pass: https://www.facebook.com/watch/?v=646151332942385

Marami pang gustong malaman tungkol sa Pasig Pass? Manatiling nakatutok sa PIO Facebook Page para sa mga anunsyo at information materials ukol dito.