Congratulations ulit sa ating Anti-Drug Abuse Council Of Pasig (ADCOP) sa pagiging DILG #GOLDawardee na City Anti-Drug Abuse Council.

January 06, 2020

Example blog post alt

Congratulations ulit sa ating Anti-Drug Abuse Council Of Pasig (ADCOP) sa pagiging DILG #GOLDawardee na City Anti-Drug Abuse Council.

Dalawa lang ang LGU sa NCR na kinilala bilang Gold Awardee (tayo at Navotas).

Hindi ko puwede kunin ang credit para rito. Ang score nating 100% ay dahil sa dedikasyon ng ating ADCOP staff sa pamumuno ni Ma'am Aida. Maselan at delikado ang trabaho nila pero tuloy-tuloy silang magtrabaho.

Salamat kina RD Ma'am Agustin na dumalo sa ating flag ceremony kanina para pormal na ibigay sa atin ang plaque at sertipiko.