#ELECTRIFICATION OF VILLA CRUZIS, MANGGAHAN

November 28, 2019

Example blog post alt

#ELECTRIFICATION OF VILLA CRUZIS, MANGGAHAN

Unang nakuwento sa akin ni Kgd Quin Cruz na walang sariling kuryente ang mga taga-Villa Cruzis pagkatapos ko mag-file ng kandidatura para mayor. Hindi ako mahilig mangako, pero ang sabi ko sa kanya, kung manalo ako, gagawin namin ang lahat ng makakaya para mapailawan na ang komunidad na ito.

Nung naupo na ako nung Hulyo, nalaman ko na "Right of Way" lang pala ang kailangan ng Meralco para makabitan na sila ng kuryente!! (At pagaari naman ng gobyerno yung dadaanan!) Agad-agad na pinaayos ng lokal na pamahalaan ang right of way na ito.

Ilan buwan ang makalipas, ito na po tayo ngayon... sa tulong ng One Meralco Foundation at ng kanilang Community Electrification Program.

Yung dating 20-30pesos per kWh sa sub-meter, bababa sa mga 9pesos na lang -- legal at ligtas pa ang koneksyon