Magandang hapon, Pasig City Scholars!

October 09, 2019

Example blog post alt

Magandang hapon, Pasig City Scholars!

Mahigit kalahati na po sa 13k scholars natin ang nakapag fillup na ng form para sa ating #CashCard.

Humihingi po ako ng paumanhin sa mga mag-aaral at magulang na nahirapan sa mahabang pila nung mga unang araw nito. Ngunit sa tulong ng inyong mga feedback, mas naging maayos na ngayon ang proseso.

(wala pa raw 10 minuto ang pila nung mga nakasalubong kong mag-aaral kanina sa 7th Floor. kung di niyo pa po alam kung kailan ang schedule niyo, paki-check na lang po sa scholarship office)

Maraming salamat sa inyong lahat! Ginagawa po natin ito para hindi na kayo kailangan pumila nang matagal tuwing kukuha kayo ng allowance.