#LINGGOngKABATAAN. Wag na nating hintayin ang bukas... NGAYON ang panahon ng kabataan!

August 24, 2019

Example blog post alt

#LINGGOngKABATAAN. Wag na nating hintayin ang bukas... NGAYON ang panahon ng kabataan!

Espesyal ang LNK na ito para sa kin dahil HULING TAON ko na bilang "Kabataan" (ayon sa depinisyon ng Youth in Nation-Building Act, hanggang 30 lang daw 😂)

Sa ilalim ng ating administrasyon, isa sa prioridad ang pagsasakapangyarihan ng ating SK at iba pang samahang kabataan. Ok lang magpaliga, pero hindi tayo magtatapos dun. Wag nating sayangin ang potensiyal ng mga kabataan. Bagkus, bigyan natin sila ng pagkakataong makilahok at makialam sa mga mas malalaking suliranin ng ating lipunan.

Simulan natin sa pagdiriwang ng linggong ito.

1) Ngayon: #KickOff celebration (with discussions on the national youth situation & participation in governance).

2) Aug. 27 @ Pasig YDC: #YSpeak Youth Debate on key national and local issues.

3) Aug 29: #YouthSportsfest.

4) Aug 31 @ RHS: #TownhallMeeting on the education governance agenda of Pasig.

(Makipag-coordinate lang kayo sa SK niyo o sa LYDO kung gusto niyong sumali.)