Get Email Updates |  Download Forms |  Contact Us

»News

»JOB FAIR SA ARAW NG PASIG 2018

JOB FAIR SA ARAW NG PASIG 2018

      Kasabay ng pagdiriwang ng ika-445 na Araw ng Pasig ang pagsusumikap na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng magandang hanapbuhay kung kaya’t inilunsad ni Mayor Bobby Eusebio katuwang ang Sangguniang Panglungsod at ng Araw ng Pasig 2018 Committee ang isang espesyal na Mega Job Fair sa Araw ng Pasig at ika 3 para sa taong ito.

 

       Mahigit sa 2,100 na mga Pasigueno ang lumahok sa ilalim ng nasabing Job Fair. Sa Pangunguna ng PESO - PASIG Employment Service Office mahigit sa 90 lokal at overseas na mga kompanya ang direktang nalapitan ng mga Pasigueno para mapabilis ang kanilang aplikasyon sa mahigit 6,000 na trabahong naghihintay.

        Ayon sa PESO, 831 aplikante ang pinalad na hired on the spot. Samantalang nasa 2,000 naman ang kwalipikado sa iba’t-ibang larangan.

 

       Nakilahok din naman ang programang “Easy Pondong Pasigueno”, kung saan nagbigay sila ng orientation sa mga nais magnegosyo, at sa mga negosyanteng nag-avail ng loan program na walang interes o tubo.

      

       Ang programang Mega Job Fair ay nagbibigay ng ligtas at maginhawang lugar para sa mga naghahanap ng trabaho at sa mga kumpanya.

 

             

 


June 28, 2018

| | More
Home  |   About Pasig City  |   Contact Us

© 2010 Pasig City  |   www.pasigcity.gov.ph

Powered by