Get Email Updates |  Download Forms |  Contact Us

»News

»TAGAMASID NG PASIG

TAGAMASID NG PASIG

        Pinarangalan at iginawad sa mga indibidwal na naging “Tagamasid ng Pasig” ang kanilang insentibo sa harap ng publiko nitong nakaraang flag ceremony. Pinangunahan ng ating punong lungsod Mayor Bobby C. Eusebio kasama si dating Mayora Dra.Maribel Eusebio at ang Sangguniang Panglungsod ang nasabing pagpaparangal.

 

Ang nasabing mga “Tagamasid ay nakatanggap ng mga sumusunod:

 

·       32.62 grams = PHP 33, 620

·       2.35 grams = PHP 3,350.00

 

Sinaksihan naman ni SPO4 Antonio Dante R. Banclos Jr., bilang representante ng Pulisya (EPD) ang pag gagawad ng insentibo sa mga impormante. Ang nasabing parangal ay iginawad sa mga impormante matapos silang magbigay impormasyon sa pagkakadakip at pagkaka aresto ng mga sumusunod: Louie Andres ng Tipas Taguig, Roberto Buenaventura ng Brgy. Sta. Ana Pateros at Rosita Alzeta ng Pembo, Makati.

 

Ang programang “Tagamasid ng Pasig” ay inilunsad sa pamamagitan ng Pasig City Ordinance bilang 11, series 2010 bilang isang sistema na nangangasiwa sa mga report at impormasyon tungkol sa mga ilegal na gawain sa ating Lungsod lalung lalo na sa illegal na droga. Ito ay gumagamit ng dalawang (2) numero kung saan sa pamamagitan ng texts o SMS ay nahihikayat ang mamamayan na magreport o magpahatid ng kanilang nalalaman. Pinapanatiling tago o kumpidensiyal ang bawat transaksyon at direktang nakikipag-ugnayan sa ADCOP upang ganap na mapangalagaan ang kaligtasan ng impormante. Ang TAGAMASID NG PASIG ay patuloy ang panawagan na - magbantay, magmalasakit at magmasid laban sa illegal na droga - tanaw na ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang katuparan nito.

 

 

 

 

 

 


January 29, 2018

| | More
Home  |   About Pasig City  |   Contact Us

© 2010 Pasig City  |   www.pasigcity.gov.ph

Powered by