Get Email Updates |  Download Forms |  Contact Us

»News

»“PUSTISO, PINAMAHAGI PARA SA PASIGUENO”

“PUSTISO, PINAMAHAGI PARA SA PASIGUENO”

Namahagi ng 362 piraso ng pustiso para sa 181 pasyente ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ni Mayor Bobby C. Eusebio katuwang ang City Health Office at ni Dental Supervisor Dra. Jona Joy Cruz.

Nagkaroon muna ng lecture kung saan tinalakay ang tamang pangangalaga sa mga pustiso upang magamit pa ng pang matagalan. Ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay mga Senior Citizens ng iba’t ibang barangay at ilang miyembro ng AKKAP.

Bukod sa pamamahagi ng pustiso, marami pang programa ang inilalaan ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangangalaga ng ating mga ng ipin tulad ng “Unang Ngipin, Patibayin Program” kaisa ang University of the Philippines Manila College of Dentistry, “Ngipin sagipin, huwag bunutin”, “Magagandang Ngiti para kay Lolo’t Lola” at “Graduate na ko, May Ngipin pa ako”, kung saan hinihikayat ang mga kabataan na pangalagaan ang kanilang ngipin hanggan sa makatapos sila ng pag-aaral.

July 10, 2017

| | More
Home  |   About Pasig City  |   Contact Us

© 2010 Pasig City  |   www.pasigcity.gov.ph

Powered by