Get Email Updates |  Download Forms |  Contact Us

»News

»Pagbabahagi ng mga School Supplies sa Paaralan ng Pasig

Pagbabahagi ng mga School Supplies sa Paaralan ng Pasig


        Pinangunahan ng ating butihing Mayor Bobby C. Eusebio, katuwang si dating Mayora Dra. Maribel A. Eusebio, Lone District Congressman Ricky Eusebio at ang buong Sanguniang Panglungsod sa pamamahagi ng libreng school supplies sa ibat-ibang paaralan sa buong lungsod ng Pasig.

       

        Kumpletong school supplies mula sa ibat-ibang klase ng mga bag, notebooks, mga textbook, workbook, skill books, rubber shoes, blackshoes, P.E uniform at school uniform ang natanggap ng nasa 71,713 mag-aaral ng elementarya at 59,377 mula naman sa sekondarya.

       

        Nagkaroon din ang nasa 5,718 mag-aaral ng Pasig City Institute of Science and Technology (PCIST) ng libreng uniporme.

       

        Hindi rin nawalan ang nasa 262 nating mga mag-aaral mula saSPED o Special Education School makaraang makatanggap din sila ng kumpletong school supplies at uniporme.

 

        Mayroon namang libreng College Binder ang 2,817 mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.

 

                Upang masigurado naman ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, nagtatalaga ang ating pamahalaang panglungsod ng mga community police na magbabantay sa bawat paaralan sa ating lungsod. Nariyan din ang ating TPMO at BCEO katuwang ang bawat Barangay Security Force para sa karagdagang seguridad at sa gabay trapiko.

 

        “Hindi na hadlang ang kahirapan upang hindi ipagpatuloy ang pangarap ng bawat kabataan sa Pasig City. Narito ang Pamahalaang Panglungsod, handa sa bawat pangangailangan ng mga mag-aaral” pahayag ni Mayor Bobby C. Eusebio.

 

July 10, 2017

| | More
Home  |   About Pasig City  |   Contact Us

© 2010 Pasig City  |   www.pasigcity.gov.ph

Powered by