Get Email Updates |  Download Forms |  Contact Us

»News

»SULYAP SA SUMMER SPORTS CLINIC

SULYAP SA SUMMER SPORTS CLINIC

        Tunay nga na alaga ang ating mga kabataan sa Lungsod Pasig sa pagkakaroon ng mga proyekto tulad ng Summer Sports Clinic na may layuning hikayatin ang mga kabataan sa ibat-ibang larong pampalakasan habang sila ay nasa bakasyon at upang makalinang ng mga manlalaro na maaaring makapagbigay dangal hindi lamang sa ating Lungsod, kundi maging sa ating Bansa sa hinaharap.


        Walang patid ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng ating Mayor Bobby C. Eusebio sa mga proyektong pampalakasan gaya na lamang nitong Summer Sports Clinic na  may mga sports tulad ng baseball, arnis, badminton, softball, gymnastics, athletics, taekwondo, chess, table tennis, swimming, karatedo at football. Ito ay nilahukan ng may 750 kabataan mula sa iba’tibang barangay sa Pasig.

May 19, 2017

| | More
Home  |   About Pasig City  |   Contact Us

© 2010 Pasig City  |   www.pasigcity.gov.ph

Powered by